Ang adobo ay isa sa mga pinaka-popular at pinaka-kilalang tradisyunal na lutuing Pilipino sa loob at labas ng Pilipinas. Niluto sa suka, toyo, bawang, at pamintaang mga sahog nito. Ipiniprito ang karneng sangkop bago haluan ng suka at bawang. Itinuturing ito bilang pambansang lutuin ng Pilipinas. Maaaring adobohin ang karne, isda o mga gulay.
Nagmula sa wikang Kastila ng Espanya at Mehiko ang salitang adobo na nangangahulugang "inatsara" o "kinilaw" (Ingles: pickled).
No comments:
Post a Comment